SE Reunion : April 25, 2009
April 22nd, 2009
147 views
Mga bata, mga bata…. (Para sa lahat ng SE old and new…and friends)
May mga musikero kasi from your batch si marty (subok na na drummer), si red (kung maalala paano mag gitara) at si robert. Apparently si Robert maraming nalalamang mga kakaiba at nakakaganang kanta. Ang iba dito ay galing sa grupong tinatawag na hillsong. Mejo napangako naman sakin ni Robert na magtuturo siya ng mga kanta na ito para ganahan ang reunion natin. ABANGAN. Sana nalang makadala siya ng kopya ng lyrics at notes para masundan natin lahat.
Ang mga muskerong 22 ay ipaghahalo natin sa mga nakakatandang mga SE na may hilig din sa combo. Sila ate Cris, Kuya Gene at Dianne at ang mga mapakaraming tagakantang ganado ngunit minsan ay dikanaisnais. Magkakaroon din tayo ng praise and worship session at dapat naman siguro sa itong mga musikero na ang maglaro ng mga himig na pangkalangitan. Sana nalang makadala sila o ibang mabait na nilalang ng kopya ng lyrics at notes para masundan natin lahat.
May videographer din akong naimbita. Kung may mejo maganda tayong matutunan na kanta ay papatira ko para may recording tayo. Iakyat na rin natin sa youtube….
BONUS TRACK: Matagal narin kaming naghahanap ng kanta na tunay na pang singles. Dapat ito ay madali at masyang kantahin at may mensahe na karapat rapat para sa mga singles. Kung gusto kayong i-suggest na kanta please bring a file or lyrics para masubukan natin. Meron namang WIFI sa bahay ni lyn kaya lahat ng may laptop…..dalhin nyo na!!!!
WARNING: Hindi po sosyal ang mga SYAM….ang dumating na naka heels…ang dumating na nakakurbata….ang dumating na naka gown….at ang dumating na naka charol ay AAHITAN NG ISANG KILAY.
COST-CUTTING MEASURES: Dahil mahal na mahal namin kayo, wala pong entrance fee ang reunion natin. Whoohooooo! Punta lang kayo! Swimming tayo, kain tayo, kantahan tayo. Ok Yan. Pero hindi kayo makakalabas na hindi nahoholdap ni shep Pivy.
PICK-UP POINT: For those who don’t want to commute or drive the Sison Van will be SHELL McKinley (as usual). This will be driven by a strange fellow who responds to the name Allan. Kung sino ang may mga kotse na galing sa Norte, please lang pakiusap….dumaan din kayo sa shell at baka may makasabay sa inyo.
TIME CONTROL: 5PM to 9PM ang reunion proper. But pool will be open onwards.
Note1: Kung sino may kaya magdala ng extra junkfood, cooler, extension cords at electric fans…. please do. Kasya sa van yan.
Note2: For superoldies…please contact me for your coordinated contributions.
Related posts:









Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed